
Hindi minasama ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang naging pahayag ni Senate President Chiz Escudero na patawarin na lang ang opisyal dahil bago pa lang sa pwesto at tila excited sa trabaho.
Ito’y matapos sabihin ni Castro na maaaring sumulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang senador kung gusto na nilang simulan ang impeachment trial, dahil sa pagmamatigas ni Escudero na hindi pa simulan ang trial.
Ayon kay Castro, hindi niya ikakaila na excited talaga siya sa kaniyang trabaho at sa araw-araw niyang pagharap sa buhay.
Ganito rin aniya dapat ang maging pakiramdam ng mga kapwa niya kawani ng gobyerno dahil may obligasyon silang dapat gampanan para sa publiko at sa buong bansa.
Facebook Comments