
Kinumpirma ng Malacañang na tinanggal na sa tungkulin bilang principal ang kontrobersyal na punong guro sa Col. Ruperto Abellon National School sa Antique.
Matatandaang nag-viral ang video ng nasabing principal habang pinapagalitan ang mga mag-aaral at pinahuhubad ang toga sa graduation ceremony.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Education (DepEd) ang agarang aksyon sa nasabing insidente.
Agad naman aniya itong inimbestigahan ng DepEd.
Gayunpaman, nilinaw naman ni Castro na tinanggal lamang ang principal sa kaniyang tungkulin at hindi ang lisensya niya bilang guro.
Facebook Comments