
Isinalaysay ni Vice President Sara Duterte ang dahilan kung bakit hindi siya nagbibigay ng panig sa Kamara kaugnay ng pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential fund.
Ayon kay VP Sara, kaduda-duda na pawang kinatawan ng Tingog Party-list ni Speaker Martin Romualdez ang aniya’y pumipiga sa kanya sa nasabing kontrobersiya.
Nanawagan din si VP Sara sa mga botante na huwag suportahan ang aniyang party-list na pag-aari ng pamilya Romualdez.
Una na ring inihayag ni VP Sara na nakahanda siyang sagutin sa impeachment court ang mga akusasyon laban sa kanya.
Facebook Comments