VP Sara, walang balak magsampa ng kaso laban sa Makati-based PR firm na nasa likod ng paninira laban sa kanya

Walang balak si Vice President Sara Duterte na kasuhan ang isang PR firm sa Makati City na nasa likod ng paninira sa kanya sa social media.

Partikular ang Philippine-based marketing agency Comm&Sense Inc. na sinasabing pag-aari ng anak ni ultra bilyonaryo Yosi Tanco na si Jaeger Tanco.

Ayon kay VP Sara, sapat na ang pagkapahiya ni Tanco matapos itong mabuking na nasa likod ng paninira laban sa kanya sa nakalipas na campaign period.

Kinumpirma rin ni VP Sara na bukod kay Tanco, may ilan pang PR firm na binabayaran ang administrasyon para siraan siya at para ma-disqualify sa 2028 Presidential Elections.

Sinasabing gumagamit ang nasabing Makati-based PR firm ng ChatGPT para bahain ang TikTok at Facebook ng pro-Marcos at anti-Sara Duterte propaganda na tinawag na “Covert IO: Operation High Five”

Facebook Comments