
Sigurado na ang tuloy-tuloy na supply ng malinis na tubig sa National Capital Region (NCR) at karatig probinsya dahil pinalawig ng sampung taon ang water concession agreements ng Maynilad at Manila Water.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaprubahan ito sa unang pulong ng Economy and Development Council na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang chairperson ng konseho kasama ang Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
Mula July 31, 2037 pinalawig ito hanggang January 21, 2047 alinsunod sa Republic Act Nos. 11600 at 11601 upang maiayon sa kanilang legislative franchises.
Bukod dito, aprubado na rin ang Farm-to-Market Bridges Program Development Program na magtatayo ng 300 climate-resilient modular steel bridges sa 52 probinsya sa 15 rehiyon sa bansa at ang Liloan Bridge Project na isang 721-meters na four-lane bridge na magdurugtong sa Panaon Island at mainland Leyte.