
Nakibahagi ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa 2nd Quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ngayong Huwebes.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng nasa 3,000 pulis kabilang dito ang Regional Mobile Force Battalion, Special Action Force, at mga police trainees, na pawang nagsisikap na paghusayin ang kanilang kahandaan sa lindol at mga kakayahan sa pagtugon.
Sa hudyat ng sirena, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga kalahok.
Tampok sa earthquake drill ang magnitude 7.2 earthquake scenario na tumama sa Luzon o ang “The Big One”.
Facebook Comments