Nasamsam ang nasa humigit kumulang ₱210,800.00 na halaga ng shabu mula sa dalawang lalaking naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa Barangay Bonuan Binloc, madaling araw ng June 11, 2026.
Kinilala ang mga suspek na isang 40 anyos at 27 anyos na lalaki, kapwa helper at residente ng Barangay Bonuan Boquig, Dagupan City.
Nasamsam mula sa mga ito ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 31 gramo gayundin ang marked at boodle money na ginamit sa operasyon.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa Supreme Court guidelines, kabilang ang paggamit ng body-worn cameras at maayos na pagdodokumento ng ebidensya sa presensya ng mga suspek at mandatory witnesses.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO Custodial Facility ang dalawang naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










