Thursday, July 2, 2026

₱50-M na multa sa social media platforms na mabibigong protektahan ang mga bata, isinulong sa Kamara

Isinusulong ng mga lider ng Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng 50-million pesos na multa laban sa social media platforms na mabibigong proteksyonan ang mga bata.

Nakasaad ito sa House Bill No. 9965, o panukalang Children’s Social Media Safety Act na inihain nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, House Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez at Majority Leader Rep. Sandro Marcos.

Batay sa panukala, ipapatupad ang mandatory child online safety standards, kasama ang age verification, parental controls, at safeguards laban sa mga mapanganib na social media content.

Target ng panukala na bumuo ng kauna-unahang regulatory framework na kokontrol sa access at paggamit ng mga bata ng social media platforms.

Kasabay ng umuunlad na teknolohiya ay binigyang-diin sa panukala na bahagi ng constitutional duty ng estado na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga bata habang hinuhubog ang kanilang pisikal, moral, intellectual, at mabuting pagkatao.

Facebook Comments