
βCauayan City – Bilang pagpapahusay ng serbisyo ng tubig sa Barangay Barucboc, Quezon, Isabela, isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon ang modernisasyon ng Barucboc Water System (BWS) sa pamamagitan ng pag-install ng hybrid solar-powered water pump.
βAyon sa LGU, kasalukuyang gumagamit ang water system ng diesel generators bilang pangunahing pinagkukunan ng kuryente, na nagreresulta sa mataas na gastusin sa operasyon.
βSa bagong sistema, inaasahang mababawasan ang paggamit ng krudo at gastos sa produksyon ng tubig.
βSa pagsasama ng solar energy at conventional power source, target ng proyekto ang mas epektibo at tuloy-tuloy na operasyon ng water supply system.
βMakakatulong din ito upang maging mas matatag at environment-friendly ang serbisyo.
βKapag ganap nang naipatupad, inaasahang magbibigay ito ng mas maaasahan at abot-kayang suplay ng tubig sa mga residente ng Barangay Barucboc, alinsunod sa adbokasiya ng pamahalaang lokal para sa sustainable infrastructure.










