Friday, April 24, 2026

𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬 𝗠𝗦𝗠𝗘𝘀, 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝟮.𝟵-𝗠 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟲

Cauayan City – Nagpakitang-gilas ang mga MSMEs ng Cagayan Valley matapos makapagtala ng ₱2.9 milyong na benta sa Bagong Pilipinas National Food Fair 2026 na ginanap sa SM Megamall.

‎Lumahok sa naturnag trade fair ang 20 MSMEs tampok ang iba’t ibang produkto gaya ng delicacies, processed at value-added food products, innovative snacks, locally crafted beverages, fresh agricultural produce, at handcrafted items.

‎Bukod sa direktang benta, nakapagtala rin ang mga kalahok ng booked orders at nakapagtatag ng koneksyon sa mga institutional buyers at distributors.

‎Nakatulong din ang aktibidad sa pagkuha ng mahahalagang puna hinggil sa produkto at packaging na magagamit sa pagpapahusay ng kanilang negosyo.

‎Tiniyak ng Department of Trade and Industry Region 2 ang patuloy na suporta sa MSMEs sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa pagpapaunlad ng produkto at pagpapalawak ng merkado.

‎Inaasahang mas magiging aktibo pa ang mga negosyante sa mga susunod na trade fairs upang higit pang mapalakas ang presensya ng Cagayan Valley sa pambansang pamilihan.

Facebook Comments