
Cauayan City – Naaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Ambalatungan, Santiago City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Dan Dan,” 46-anyos at residente ng Sinamar Sur, San Mateo.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.6 grams at tinatayang halaga na P4,080.
Narekober din ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust money at isang cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments








