Maglulunsad ang City Veterinary Office ng San Carlos City ng libreng animal health services para sa mga alagang aso at pusa sa darating na Mayo 26, 2026.
Gaganapin ang nasabing programa sa isang Slaughterhouse sa San Carlos City. Kabilang sa mga serbisyong ihahandog ang anti-rabies vaccination, deworming, vitamins supplementation, castration para sa male dogs at cats, at spaying para sa female cats.
Nilinaw naman ng City Veterinary Office na limitado lamang ang slots para sa castration at spaying kaya kinakailangan ang reservation sa kanilang official Facebook page.
Prayoridad din ang mga residente ng San Carlos City.
Layunin ng programa na mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




