Friday, May 15, 2026

𝟳 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 s𝗲𝗮𝗳𝗮𝗿𝗲𝗿𝘀 na sakay ng barkong tinamaan ng drone attack sa Strait of Hormuz, nasa stable nang kalagayan — Sec. Cacdac

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nasa stable nang kundisyon ang 7 tripulanteng Pilipino na nasugatan sa drone attack ng Iran nitong May 5 sa container ship na CMA CGM San Antonio habang bumabagtas sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Cacdac, dalawa sa Pinoy seafarers ay inaasahang makakauwi na sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Habang ang limang iba pang Pinoy crew ay nananatiling naka-confine at nagpapagaling sa isang ospital sa Oman.

Sinabi rin ni Cacdac na tutulungan ng pamahalaan ang pamilya ng ilan sa mga tripulante para makapunta ng Oman at personal na mabisita ang kanilang mga mahal sa buhay na Pinoy crew habang nagpapagaling.

Patuloy rin aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, gayundin sa shipping company, at manning agency para matiyak ang kapakanan, at mabilis na assistance para sa mga apektadong Pinoy seafarers.

Facebook Comments