Tinanggap ng pitong sustainable livelihood program associations (slpa) sa alaminos city ang kabuuang ₱1.4-milyong livelihood grant mula sa department of social welfare and development sa ilalim ng project development advancement grant (pdag).
Bawat asosasyon ay tumanggap ng tig-₱200,000 cash grant sa isinagawang awarding ceremony noong mayo 23, 2026 matapos umanong pumasa sa assessment ng ahensya hinggil sa pamamahala at pagpapatakbo ng kanilang mga samahan.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapalawak ng mga proyektong pangkabuhayan ng mga benepisyaryo, lalo na sa mga komunidad na patuloy na nakararanas ng limitadong oportunidad sa hanapbuhay at Hindi matatag na pinagkakakitaan.
Sa kabila nito, ilang residente at maliliit na negosyante ang umaasang magiging pangmatagalan ang epekto ng mga ganitong ayuda at Hindi lamang pansamantalang tulong, dahil marami pa rin ang nahihirapan sa paghahanap ng matatag na pagkakakitaan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at limitadong trabaho sa ilang lugar.
Patuloy rin ang panawagan ng ilang sektor para sa mas mahigpit na monitoring at transparency sa pagpapatupad ng mga livelihood program upang matiyak na talagang makararating at magiging pakinabang ang mga pondong inilaan para sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










