₱374K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA DRUG BUY-BUST SA ALAMINOS CITY

Arestado ang isang 31-anyos na lalaki sa isinagawang search warrant operation sa Brgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan noong Miyerkules, Abril 15, matapos makumpiska ang tinatayang ₱374,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa kanyang tahanan.

Naaresto ang suspek, isang magsasaka at residente ng lungsod, sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa ulat ng kapulisan, nasamsam mula sa tahanan ng suspek ang 18 piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 55 gramo.

Nadiskubre rin sa lugar ang iba’t ibang drug paraphernalias tulad ng digital weighing scale, plastic sachets at glass tube pipe.

Dinala ang suspek sa Alaminos City Police Station para sa dokumentasyon habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments