Saturday, June 13, 2026

𝗗π—₯π—¨π—š π—£π—¨π—¦π—›π—˜π—₯, π—›π—¨π—Ÿπ—œ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬

Cauayan City – Naaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Ambalatungan, Santiago City.

Kinilala ang suspek sa alyas na β€œDan Dan,” 46-anyos at residente ng Sinamar Sur, San Mateo.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.6 grams at tinatayang halaga na P4,080.

Narekober din ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust money at isang cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments