𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗛𝗘𝗟𝗟𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗫𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗗 𝗧𝗜𝗗𝗘; 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡

Nananatiling ligtas ang ilang tukoy na shellfish products mula sa toxic red dito sa lalawigan, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture – BFAR Regional Fisheries Office Ilocos Region.

Ang mga shellfish products na mula sa mariculture areas sa bahagi ng Infanta, Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual and Bani ay ligtas kainin dahil walang banta ng red tides.

Kasunod nito ang pagtangkilik ng ilang mga Pangasinense sa mga nasabing produkto lalo na ang Talaba, Kampis at Tahong.

Nasa 200 to 250 pesos ang nabibilang isang takal ng Talaba habang naglalaro naman sa 70 hanggang 100 pesos sa kada kilo ng Tahong.

Samantala, isa ang mga produktong ito sa inaasahang mas tatangkilikin pa ng mga tao lalo na sa pagsapit ng Kwaresma ngayong buwan ng Marso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments