
Cauayan City – Nagpulong ang Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) upang paghandaan ang inaasahang epekto ng El Niรฑo sa rehiyon matapos ipag-utos ni Office of Civil Defense (OCD) Region 02 Director Leon DG Rafael, Jr. ang agarang paghahanda ng mga action plan ng ibaโt ibang ahensya at lokal na pamahalaan.
โ
โSa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment meeting noong Mayo 25, binigyang-diin ni Rafael ang pangangailangang magkaroon ng konkretong hakbang upang mabawasan ang posibleng epekto ng matinding init at kakulangan sa tubig, lalo na sa sektor ng agrikultura at kabuhayan ng mamamayan.
โ
โKabilang sa mga inilahad na paghahanda ang information campaign ng Bureau of Fire Protection laban sa sunog at grass fire, habang sinabi naman ng Cagayan Provincial DRRM na patuloy nilang mino-monitor ang kondisyon ng mga ilog at nagbibigay ng tulong at babala sa mga magsasaka at residente.
โ
โAyon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nananatiling mataas ang posibilidad ng pagdating ng El Niรฑo sa bansa sa mga susunod na buwan at maaari itong magtagal hanggang unang bahagi ng 2027.
โ
โInaasahang muling tatalakayin at aaprubahan ng konseho ang mga action plan sa kanilang susunod na pagpupulong sa Hunyo.










