
Hindi ikinababahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtigil ng Amerika sa pagbibigay ng foreign development assistance.
Ayon sa DFA, batid nilang masusing pinag-aaralan ng mga ahensya ng US government na may hawak sa aid program, ang executive order ni US President Donald Trump na nagpapahinto sa foreign development assistance.
Naniniwala ang DFA na batid ng mga kinauukulang US government agencies ang epekto ng paghinto ng programa sa mga bansang kaalyado ng Amerika.
Tiniyak din ng DFA na patuloy pa rin itong makikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Amerika hinggil sa nasabing usapin.
Ito ay lalo na’t sa huling phone conversation aniya nila Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio ay napag-usapan nito ang alyansa ng Pilipinas at Amerika at nagkasundo ang dalawang opisyal na palawakin ang security, economic at regional cooperation.