Arestado ang isang 29 anyos na magsasaka matapos makuhanan ng 9.33 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte, noong gabi ng Oktubre 11, 2026.
Pinangunahan ng Solsona Municipal Police Station ang operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱63,444 ang nasamsam na hinihinalang shabu batay sa standard drug price.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










