
Nagpalabas ng paglilinaw ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa nag viral na video ng dalawang lalaking lumabas sa imburnal Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City noong June 16, 2025.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang QCPD at batay sa resulta ng validation,lumilitaw na ang mga lalaking nakunan ng video ay kinuha ng kanilang kapitbahay upang mag ayos ng nasirang water hose sa drainage sa kanilang lugar.
Habang nag aayos umano ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kayat tumaas ang lebel ng tubig sa loob ng drainage.
Upang hindi ma trap ay humanap ng ibang lagusan ang dalawa hanggang sa mapadpad sila sa lugar kung saan ay humihingi sila ng tulong na saka naman may nag post sa Facebook.
Paalala ng QCPD sa publiko, magpaalam muna sa mga awtoridad bago magsagawa ng pagsasaayos ng drainage dahil may kaakibat itong panganib lalo na kapag may sama ng panahon.