5 Katao, Sugatan sa Banggaan ng Motorsiklo at Tricycle!

*Echague, Isabela- *Sugatan ang limang katao sa naganap na banggaan ng motorsiklo at tricycle sa pambansang lansangan ng Brgy. Pangal Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang driver ng Tricycle na si Jet Dela Cruz, 20 anyos, binata, residente ng Brgy. Kimmalabasa Norte, San Agustin, Isabela habang ang driver ng motorsiklo ay si Turog Dela Cruz, residente ng Brgy. Masaya Sur, San Isidro, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay ng motorsiklo at tricycle ang lansangan at nang makarating sa isang one-way na daan na nasa linya ng motorsiklo ay pumasok sa linya ang tricycle na nagresulta sa kanilang salpukan.


Nagtamo ng pinsala sa katawan ang driver ng motorsiklo matapos matumba sa daan maging ang driver ng tricycle.

Sugatan rin ang back rider ni Turog Dela Cruz na si Mike Salvador ng Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela maging ang mga pasahero ng tricycle na sina Jaymar Silaran ng Brgy. Kimmalabasa Sur, San Agustin, Isabela at Aries Catab ng Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Dinala sa magkakahiwalay na pagamutan ang limang sugatan para sa kanilang karampatang lunas.

Nasa PNP Echague na ang dalawang behikulo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments