
Sinibak na sa serbisyo ang limang enforcers ng Land Transportation Office (LTO) sa nag-viral na insidente sa Panglao, Bohol, kung saan naging bayolente ang mga ito sa paghuli sa isang motorista na may hawak na bolo.
Makikita sa video online, na ang marahas na inaresto ang isang motorista sa kabila ng pagdadahilan ng motorista na siya ay magsasaka kaya may dala siyang bolo.
Sa pulong balitaan sa LTO Central Office kanina, inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinanggal na sa serbisyo ang enforcers ngayong araw.
Ayon kay Dizon, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magserbisyo nang maayos ang mga taong gobyerno at hindi maghari-harian.
Dumaan na rin aniya ito sa konsultasyon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza at iba pang opisyal ng DOTr.