BATA BALIK ESKWELA CAMPAIGN, PINALAKAS PA NG DSWD REGION 2

CAUAYAAN CITY – Pinalakas pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang Bata Balik Eskwela (BBE) campaign sa Lambak ng Cagayan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Ayon kay Regional Director Lucia Alan, layon ng kampanya na mahikayat ang mga out-of-school youth na bumalik sa pormal na edukasyon o pumasok sa Alternative Learning System (ALS), habang sinusuportahan din ang mga kasalukuyang nasa paaralan upang manatili silang naka-enroll.

Dagdag pa nito, kamakailan ay inilunsad sa Cagayan ang Project Radiating Inspiration, Strengthening Education o RISE kung saan 36 in-school at out-of-school youth beneficiaries ng 4Ps ang lumahok.

Sa Nueva Vizcaya naman, matagumpay na naisagawa ang Project GOALS o Great Opportunities in Attaining Life Skills sa 40 out-of-school youth na sumailalim sa life skills at confidence-building training.

Samantala, inilunsad naman kahapon, ika-20 ng Mayo ang Proyektong Guidance and Breaking Barriers for Youth (GABAY) sa Quirino at Project Start Towards Academic Reintegration (STAR) sa Isabela.

Tiniyak ng DSWD ang tuloy-tuloy na suporta upang mapanatili ang edukasyon ng mga kabataang 4Ps beneficiaries sa buong rehiyon.

Facebook Comments