Paglilinis at pagpapaganda ng Fort Santiago, sinimulan na sa tulong ng gobyerno ng Germany

Nakakuha ng suporta ang pamunuan ng Intramuros sa hakbang at programa nito na mapaganda ang Fort Santiago upang mapangalagaan ang lugar at makaakit pa ng mga turista.

Tumulong na ang Embahada ng Germany sa Pilipinas sa pamamagitan ng Karcher company na nanguna sa paglilinis katuwang ang mga tauhan ng Intramuros Administration.

Ipinagpasalamat naman ni Administrator Atty. Joan Padilla ang tulong ng pribadong sektor sa pagpapanatili ng kaayusan ng Fort Santiago.

Bukod sa Fort Santiago, kasama rin sa mga sinuportahan ng German Embassy pagpapanatili ng cultural heritage mula 2017 ay ang Monumento ni Dr. Jose Rizal, Liwasang Bonifacio, San Agustin Church, at People Power Monument.

Matatandaan na ang Fort Santiago ang isa sa ipinagmamalaki sa Intramuros at itinanghal din na World’s Leading Tourist Attraction sa 31st World Travel Awards noong nakalipas na taon.

Facebook Comments