
Nakikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa hiling na asylum ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa Austria.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nakikipag-coordinate pa sa ngayon sa Office of the Chief State Counsel sa naturang usapin.
Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Eric Vida na itinuturing na pugante sa batas si Roque.
Ito ay dahil nahaharap siya sa kasong qualified human trafficking dahil sa kaugnayan sa sinalakay noong POGO sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni Vida noong nakaraang linggo na bagama’t iginagalang nila ang proseso ng aplikasyon para sa asylum ay umaasa ang kagawaran na hindi ito pagbibigyan at mapa-uwi na sa bansa para harapin na ang mga kaso.
Itinanggi ngayong araw ni Roque ang anunsiyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi pinagbigyan ang kaniyang asylum.










