
Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang professional organization at susunod sa kanilang chain of command.
Ito’y sa kabila ng pagpapalabas ng International Criminal Court ng warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa crimes against humanity.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, patuloy silang nakatuon sa kanilang pangunahing mandato na protektahan ang bansa.
Nakanda rin ang Sandatahang Lakas na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang national security at stability kung kinakailangan.
Una na ring nanawagan ang Philippine National Police sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng misinformation kasunod nang pagkakaaresto ng mga awtoridad kay dating Pangulong Duterte.