
Mananatiling respondent sa kaso ng pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Que ang anak nito na naunang idinawit sa kaso.
Ngayong araw nang muling magsagawa ng preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) na dinaluhan ni Alvin Que at ng limang itinuturong suspek.
Sa ambush interview, sinabi ng abogado ni Alvin Que na si Atty. Pearlito Campanilla na ito ay habang hinihintay pa ang resolusyon sa mosyon ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang kaniyang kliyente sa respondents.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, sa ngayon kasi ay hindi pa naaksyunan ng prosekusyon ang motion to amend na inihain ng PNP.
Pinaaalis ng pulisya si Que sa respondents dahil wala umanong sapat at direktang ebidensiya na nag-uugnay sa kaniya sa krimen.
Si Que ay idinawit noon ng isa sa mga suspek na si David Tan Liao na siya umanong nag-utos na ipadukot at ipapatay ang sariling ama.