
Pinadalhan na ng summons ng Commission on Elections (Comelec) si Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia.
Ito ay upang pasagutin kaugnay sa disqualification petition na inihain ng Comelec Task Force SAFE dahil sa kontrobersiyal nitong biro tungkol sa mga single mom at body shaming sa gitna ng campaign rally.
Batay sa kopya ng summons ng Comelec Second Division, may limang araw si Sia upang sagutin ang petisyong isinampa laban sa kaniya.
Batay sa Comelec Task Force SAFE, ang mga binitawang pahayag ni Sia ay lumabag sa Comelec Resolution No. 11116 o Anti Discrimination and Fair Campaigning Guidelines kaugnay sa 2025 midterm elections.
Una nang inisyuhan ng poll body ng show cause order si Sia dahil sa pahayag tungkol sa single mom pero iginiit niya na bahagi ito ng kaniyang malayang pagpapahayag.