AWAY DAHIL SA ULAM, NAUWI SA PANANAGA, 2 KATAO SUGATAN

55
Cauayan City, Isabela- Humantong sa pananaga ang away ng dalawang kalalakihan dahil lamang sa nilutong ulam sa barangay Linglingay, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roberto Suarez, limampung taong gulang habang ang mga suspek ay kinilalang sina Jhun Libid at Lito Aquino, nasa hustong gulang at pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, bago mangyari ang insidente ay kumakain sa isang maisan ang biktima at mga suspek.

Nagreklamo umano si Libid kay Suarez na maalat ang niluto niyang ulam na monggo na dahilan ng kanilang sagutan na nagresulta naman sa pagkakatanggal ng ngipin ni Suarez.

Agad na umalis si Libid at nakipag inuman sa isang bahay at kalauna’y sinugod siya ni Suarez.

Dito na naglabas ng itak ang isang suspek na si Aquino at tinaga si Suarez na nagawa namang maidepensa ang sarili gamit ang isang kutsilyo.



Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital si Suarez habang nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang dalawang suspek at sila’y posibleng maharap sa kasong frustrated homicide.

Facebook Comments