
Cauayan City – Ipinagdiwang ng bayan ng San Manuel ang National Women’s Month na naglalayong bigyang-pugay ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.
May temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Angat ang Buhay sa Bagong Pilipinas,” layunin ng selebrasyon na ipakita ang kanilang ambag sa pag-unlad ng bayan.
Nagsimula ang programa sa isang motorcade na nilahukan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay bilang simbolo ng pagkakaisa at lakas na nasundan sinundan ng Zumba session at isang raffle draw.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection BFP bilang suporta sa selebrasyon.
Maliban dito, nag-alok ang programa ng libreng gupit, pedicure, manicure, at foot spa upang mabigyan ng pagkakataon ang kababaihan na mag-relax at alagaan ang kanilang sarili.
Ang pagdiriwang na ito ay isang patunay na bawat babae, anuman ang kanyang tungkulin sa lipunan, ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas maunlad at mas inklusibong bayan.