
Hinarang ni Transportation Secretary Vince Dizon ang cashless toll collection sa mga pangunahing expressway na ipatutupad sana sa Marso 15.
Ayon kay Dizon, iniutos niya sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipatigil ang pagpapatupad nito dahil hindi pa napapahong ipatupad ang sistema.
Nakita naman aniya kung paanong nagkabuhol-buhol ang mga saskayan noong unang sinubukang ipatupad ito.
Kaya kakausapin niya muna ang toll operators ng NLEX at SLEX at titingnan kung episyente na ang kanilang sistema.
Naniniwala rin si Dizon na anti-poor o hindi makatutulong sa mga mahihirap ang cashless system sa expressways.
Facebook Comments