Chinese national na sangkot sa pag-eespiya, naaresto ng NBI sa Intramuros, Maynila

Isang Chinese national ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Intramuros, Maynila ngayong Martes ng hapon.

Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin, nakita ang mga kagamitan sa pag-eespiya sa sasakyan malapit sa tanggapan mismo ng Commission on Elections (Comelec).

Sa bahagi ng Makati City unang na-trace ang sasakyan na nagpaikot-ikot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Maituturing aniyang banta sa seguridad lalo na’t bawal ang paggamit ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher kung saan nasasagap nito ang mga text message sa paligid.

Mahaharap sa reklamong espionage ang naarestong dayuhan.

Facebook Comments