
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang flights na naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Saranggani kanina.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, batay sa report ng kanilang Control Tower sa General Santos City, mahina lamang ang pagyanig na naramdaman doon.
Wala rin aniyang mga pasilidad na naapektuhan ng pagyanig.
Bunga nito, nananatiling normal ang biyahe ng mga eroplano sa General Santos City.
Nakaalerto naman ang CAAP sa posibleng aftershocks ng lindol.
Facebook Comments