Isang pagkilala sa mahabang buhay, sakripisyo, at ambag sa pamilya at komunidad ang natanggap ng dalawang centenarian mula sa bayan ng Villasis.
Tumanggap ng tig-₱100,000 cash incentive sina Mrs. Lourdes M. Policarpio ng Barangay Barangobong at Mrs. Timotea C. Ganzagan ng Barangay Amamperez mula sa National Government, sa pamamagitan ng National Commission of Senior Citizens at DSWD, sa ilalim ng Centenarians Act.
Nauna na ring tumanggap ngayong taon ang dalawa ng ₱10,000 cash gift mula sa Local Government Unit ng Villasis at ₱20,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng pagkilala sa kanilang pag-abot sa edad na 100 taon pataas.
Para sa kanilang mga pamilya at kababayan, higit pa sa halaga ng insentibo ang kahulugan ng pagkilalang ito, patunay ito ng pagpapahalaga sa mga nakatatandang mamamayan na naging haligi ng tahanan, saksi sa pagbabago ng panahon, at inspirasyon ng bagong henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










