Nasa 374 na mangingisdang lubos na naapektuhan noong nagdaang Bagyong Uwan ang sumailalim sa Livelihood Recovery Training and Cash Assistance Orientation sa Bayan ng San Fabian.
Pinangunahan ng World Vision Development Foundation, Inc. (WVDF), katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang naturang programa na tatakbo hanggang ngayong araw, Agosto 7, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mangingisda mula sa mga barangay ng Alacan, Nibaliw Magliba, Sobol, Rabon, Nibaliw East, Nibaliw Vidal, Mabilao, Tiblong, Bolasi, Nibaliw Central, Longos-Parac-Parac, at Nibaliw Narvarte.
Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, kinakailangang makumpleto muna ng mga benepisyaryo ang livelihood recovery training at orientation bago nila matanggap ang nakalaang cash assistance.
Layunin nitong mabigyan sila ng kaalaman at gabay upang epektibong magamit ang tulong sa muling pagpapatatag ng kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








