
Umabot sa lima ang kabuuang naghain ng kanilang kandidatura para sa Ikaapat na Distrito ng lalawigan ng Cavite.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy (COC) ngayong Biyernes, July 17.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ngayong last day naghain ng kaniyang COC si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga na ina ng dating nakaupong si Kiko Barzaga.
Nauna nang naghain ng kanilang kandidatura sina dating Vice Mayor Rex Mangubat, Marvin Dupal-ag, Leysander Ordenes, at Jesse Frani na dati nang nakalaban ni Kiko Barzaga noong 2025 Elections.
Isasagawa naman ang special elections sa lungsod sa August 29 habang sa July 30 hanggang August 27 ang campaign period.
Facebook Comments










