Dating konsehal ng Maynila na akusado sa kidnap for ransom, hawak na ng NBI

Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating konsehal ng Maynila na akusado sa kidnapping for ransom.

Ayon sa NBI isa si Roderick Dayanan Valbuena sa nasampahan ng kaso sa RTC Branch 61, Makati City.

Dumating sa bansa si Valbuena noong May 20 mula Las Vegas, at agad na dinakip ng mga operatiba NBI-International Airport Investigation Division.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng NBI Detention Facility sa Muntinlupa City kasunod ng warrant na inisyu ng korte laban sa naturang suspek.

Facebook Comments