DFA, umalma sa akusasyon ng China na scripted ng Pilipinas at ng ilang mga bansa ang mga nagaganap sa South China Sea

Umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa akusasyon ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na palabas lamang ang mga galaw ng Pilipinas sa South China Sea kung saan ang screenplay aniya nito ay sinulat ng ilang mga bansa at nila-livestream naman ng Western media.

Sa statement ng DFA, iginiit nito na dapat kilalanin ng China ang Pilipinas bilang independent at sovereign state kung saan ang mga galaw ng bansa ay para sa interes at kapakanan ng mga Pilipino.

Ayon sa DFA, walang analogy o play of words na bumabalot sa tunay na isyu sa pagtanggi ng Tsina kilalanin ang international law, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 Arbitral Award.


Tinukoy din ng DFA ang mga epekto sa mga komunindas ng mga Pilipino sa iligal, agresibo at marahas na mga pagkilos ng China sa nasabing karagatan.

Kaugnay nito, umapela ang DFA sa lahat ng mga bansa na iwasan ang mga aksyon at pananalita na lalo pang magdudulot ng tensyon sa rehiyon.

Facebook Comments