
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa National Bureau of Investigation (NBI) para maging mabilis ang imbestigasyon sa pagkamatay ng Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jenny Alvarado sa Kuwait.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na ngayong alas-11:00 ng umaga ay isinasailalim sa autopsy ang bangkay ng Pinay OFW.
Ito’y para masiguro na namatay si Alvarado matapos malason dahil sa coal suffocation mula sa heating system sa kaniyang pinagtatrabahuan.
Dagdag ni Cacdac, aalamin din nila kung ano ang maaaring pananagutan ng employer ng biktima base sa batas ng Kuwait matapos ang imbestigasyon.
Aniya, mismomg siya ang nakikipag-usap sa pamilya ng OFW para ma-update sila sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan hinggil sa pangyayari.
Bukod dito, pnag-aaralan na rin ng DMW kung ano ang magigimg pananagutan ng shipping handlers sa maging kaso ng maling bangkay na naipadala sa pamilya ng OFW.