Pangamba sa pondo ng mga miyembro dahil sa kawalan ng government subsidy, pinawi ng PhilHealth

Pinawi ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pangamba ng mga miyembro sa posibleng sapitin matapos na alisan ng government subsidy ang ahensya sa ilalim ng 2025 national budget.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Health, kinwestyon ni Senator Christopher “Bong” Go kung ano ang mga plano ng PhilHealth sa taong ito matapos na alisan ng subsidiya sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, matatag ang kanilang financial standing at siniguro din ang patuloy na pagtalima sa hinihingi ng universal health coverage para sa mga Pilipino.


Sa kabila aniya ng kawalan ng government subsidy ay makahuhugot naman sila ng pondo mula sa mga government subsidies at iba pang revenues.

Sapat din aniya ang kanilang reserve funds lalo’t tumubo rin ang kanilang investment at patuloy silang maingat sa pangangasiwang pinansyal.

Nangako pa ang PhilHealth na may sapat na kakayahan ang state health insurer na magampanan ang mga obligasyon sa mga miyembro nito at walang benefit packages ang maaapektuhan.

Facebook Comments