
Kasado na ang isasagawang kilos-protesta ng grupong Piston ngayong araw dahil na rin sa nakaambang malakihang oil price hike bukas, June 24.
Isasagawa ang kilos-protesta sa Philcoa, Quezon City dakong alas-9:00 ng umaga.
Pangungunahan ito ni Piston National President Mody Floranda.
Masusundan pa ito sa ibang bahagi ng Metro Manila bandang hapon.
Bukas ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang P3 hanggang P5 na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.
Facebook Comments