Umabot sa 1,629 lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa Bayambang, Pangasinan ang nakatanggap ng tig-₱5,000 fuel subsidy mula sa pamahalaan katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isinagawa ang payout noong Mayo 14, 2026 sa Bayambang kung saan personal na tinanggap ng mga benepisyaryo ang cash assistance bilang tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa mga otoridad, tanging mga rehistrado at may prangkisa na TODA members lamang ang kabilang sa listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo na inilabas ng DSWD.
Layunin ng programa na maibsan ang epekto ng oil price fluctuations at iba pang gastusin na patuloy na nararanasan ng mga tricycle driver sa kanilang araw-araw na operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣



