Sinampahan ng petition for disqualification sa Commmision on Elections (Comelec) sina Malabon City Congressional candidate Antolin “Lenlen” Oreta III, Malabon City District 2 councilor candidate Lorenzo Oreta, at Malabon City District 1 councilor candidate Joey Sabaricos.

Ito’y dahil sa insidente ng vote buying at paglabag sa Section 89 ng Article X ng Omnibus Election Code.

Sa petisyon, nakasaad na noong March 28, 2025, sa political rally ng mga Oreta na idinaos sa Gozon Compound, Letre, Barangay Tonsuya, Malabon City, namudmod umano ng “brown bag” na naglalaman ng iba’t ibang street food na nakabalot sa plastic at tig- 2 piraso ng P100 sa mga dumalo.

Sa hiwalay naman na reklamo sa kaparehong insidente, sinampahan ang mga nabanggit na kandidato ng paglabag sa Omnibus Election Code partikular sa Section 89, Article X ng Section 261 (a) in relation to Section 262.

Facebook Comments