Ilang motoristang gumagamit ng EDSA, mag-a-adjust ng oras sa kanilang biyahe kasunod ng isasagawang rehabilitasyon

Mas aagahan na lamang ng ilang motorista ang kanilang pag-biyahe kasunod ng isasagawang rehabilitasyon ng EDSA.

Ito’y kasunod ng desisyon ng Department of Transportation (DOTr) alinsunod sa rebuild program ng pamahalaan.

Ayon sa motoristang si Jun Galvez, araw-araw dumadaan sa EDSA, maganda naman ang plano ng DOTr para magamit naman nang maayos ang pangunahing kalsada, ngunit dapat ay maglaan ng daan para sa kanilang biyahero na wala namang ibang choice kung hindi gumamit ng pampribadong sasakyan.

Sa panig naman ng MC Taxi rider na si Richard Cortez, maayos naman sana ang gagawing pagsasaayos sa kalsada ngunit dagdag abala umano ito para sa kanilang mga rider na naghahanapbuhay araw-araw.

Una nang humingi ng paumanhin si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga maapektuhan nang isasagawang pagkukumpuni gayundin ang matinding traffic na mararanasan ng publiko sa naturang kalsada.

Facebook Comments