
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na may ilang pagbabago ang ipatutupad sa mga balotang gagamitin para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kabilang sa pagbabagong ito ay ang paglalagay ng larawan ng mga kandidato maging ng logo ng kanilang political party.
Ayon kay Garcia, maiging may larawan para makita ng mga botante ang mukha mg kanilang iboboto.
Bukod dito, magkakaroon din ng option na “none of the above” sa mga pagpipiliam sa balota kung ayaw ng botante na bumoto ng partikular na kandidato.
Nilinaw naman ni Garcia na kapag nagbukas sila ng filing ng certificate of candidacy para lamang sa 7 seats na ipapalit sa Sulu na naalis na sa BARMM.
Kabilang sa mga ihahalal sa gagawing parliamentary elections ay para sa political party at representative pero hindi muna kasama sa ihahalal ang para sa sectoral representative.
Sa kabuuan, may 2.3 milyong bilang na botante sa BARMM parliamentary elections na itinakda sa Oktubre sa halip na Mayo.