Isa pang opisyal ng OWWA, sinibak na rin sa pwesto dahil sa maanomalyang land deal transaction

Inanunsyo ng Palasyo na sinibak na rin sa pwesto si Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Deputy Director Emma Sinclair dahil pagkakasangkot sa umano’y hindi otorisadong P1.4 bilyong land deal transaction sa OWWA.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may sabwatan umano si Sinclair at si dating OWWA Administrator Arnell Ignacio sa maanomalyang pagbili ng lupa na gagamitin sa pagpapatayo ng accommodation area ng Overseas Filipino Workers o OFWs.

Dahil dito, pareho silang tinanggal sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa kawalan ng tiwala at kumpiyansa o loss of trust and confidence.

Sabi ni Castro, patunay lamang aniya ito ng panawagan ni Pangulong Marcos sa lahat ng opisyal ng gobyerno na huwag manloko at gampanan nang maayos ang trabaho.

Facebook Comments