
Kasado na ang iba’t ibang job fair sa Metro Manila para sa ika-123 pagdiriwang ng Labor Day sa bansa sa darating na May 1.
Sabayang Nationwide Labor Day Job Fair ang handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City at sa higit sa sampung malls sa Metro Manila.
Local employment ang handog ng Marikina City sa isang job fair na magsisimula ng alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa SM Marikina.
Mega job fair naman ang handog ng Taguig City sa araw ng paggawa, na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Vista Mall Taguig.
Maaring mag-preregister online sa social media pages ng dole o local na public employement offices sa inyong lugar, at huwag ding kalilimutan na magdala ng valid IDs para sa pag-verify ng registration sa mga gaganapin na job fair sa araw ng paggawa sa darating na Huwebes.