
Binigyang-diin ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, na hindi dapat natatapos sa digmaan ang pagkamit ng kalayaan ng bansa.
Ayon kay Chief Justice Gesmundo, dapat ay patuloy pa rin nating itaguyod ang karapatan at kalayaan kasunod ng pagiriwang ng ika-127 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Aniya, hindi lamang mga dayuhan ang kalaban ng bansa na gustong sumakop rito maging ang pang-aabuso at katiwalian sa loob mismo ng bansa.
Dapat umanong araw-araw nakakamtam ng taumbayan ang kalayaan.
Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, ang nanguna sa flag raising ceremony sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kaninang umaga kasama si 1st District Representative Ramon Jon Revilla III.
Facebook Comments