LGU DAGUPAN, IPAUUBAYA SA SCHOOL HEADS AT MAGULANG ANG PASYA SA SUSPENSION NGAYONG ARAW

Binigyan ng City Government of Dagupan ng kapangyarihan ang mga school heads na magpasya kung kinakailangang suspendihin ang face-to-face classes sa kanilang mga paaralan ngayong Miyerkules, Setyembre 9, 2026, depende sa aktuwal na kondisyon sa kanilang lugar.

‎Ayon sa public advisory, maaaring ipatigil ng mga school heads ang face-to-face classes kung hindi ligtas ang sitwasyon sa paligid ng paaralan o kung may banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.


‎Pinapayagan din ang mga magulang o guardian na huwag papasukin ang kanilang mga anak kung delikado ang biyahe patungo sa paaralan, kabilang na kung may baha sa dadaanan o iba pang panganib sa kanilang kaligtasan.

‎Binigyang-diin ng advisory na kaligtasan ng mga bata ang pangunahing dapat unahin sa pagdedesisyon kung papasok o hindi sa paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments